Posted by: purplewentkarate | January 30, 2009

fish tales etc….

tyson and ali

tyson and ali

Dear kasmot,

Niregaluhan ako ng ninong ko na ngaun ko lang nkita (since birth haha) ng fighting fish . Enthusiast yun ng mga kakaibang isda. Isdang umiilaw sa dilim, Isdang kumakain ng daga, Isdang nkikipagwrestling sa pusa, Isdang sinasapian ng dwende atbp. Gayunpaman kahit hindi cash masaya pa ren ako (hikbi) at least nagkaron ako ng challenging na regalo ,,Ang problema 3 days na sila di kumakain para na silang isdang nakalimutan ng diyos ,,,anu ba ang pwde pakain sa kanila? Saang petshop ba along Q.C. or manila may nabibili? Di naman ako brutal na tao para pakainin sila ng kataba (tama ba spelling?) kahit fighting fish sina ali at tyson (un ang binigay ko na name) gusto ko silang lumaking mabait,magalang ,marunong makipag kapwa-isda, responsable at may takot sa diyos. Nag-surf ako sa internet kahapon pwde raw sila kmain ng mga insekto tulad ng langaw, Kaya lang yung kapatid ko hindi pumasok ng school makapanghuli lang ng insekto ,kaya nasabon ako ni inay. Sana pag uwi ko mamaya maabutan ko pa silang buhay …..

 

P.S. ipapasyal ko sila sa linggo sa baywalk sana sumama ka

 

                                                                                                            nagmamahal ,

                                                                                                                dayi


Leave a response

Your response:

Categories